Ang Paglisan

birds

Kung tayo’y maglaho man

sa marikit na mundo,

pagtakasan na natin

at kalimutan ang islang ito.

Lisanin na natin ang paraiso

upang hanapin ang kalayaan

at lubusan nang maglaho

na parang mga bula sa hangin.

Pagtakasan na natin ngayon

ang mundong kinagagalawan

at walang may makakapansin

sa ating pagkawala.

Walang sinumang nilalang

na magtataka o magtatanong

kung saan man tayo napadpad

marahil wala rin silang pakialam.

Walang sinumang testigong

makakapagsumbong sa atin

marahil tayo’y pawang mga kalapateng

naghahanap ng sariling kalayaan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s