MIMPI: Lakbay-Panaginip ng Isang Aso

mimpi1

Taong 2014 nang madiskubre ako ng isang nakakaadik na adventure game sa aking smartphone matapos mapanood ang trailer nito online. Ito’y tungkol sa isang puting aso na nakipagsaparalan sa mundo ng mga panaginip upang hanapin ang kanyang nawawalang amo. Masasabi kong nakamamangha ang mga audio-visual effects dahil makukulay ang mga larawan sa background ng bawat level nito. Halata kasing binuhusan ng malaking talento ang pagsagawa nito.

Likha ito ng Crescent Moon Games mula New York at Silicon Jelly s.r.o., isang independent gaming studio na nakabase sa Praga, Republikang Tseko. Ang salitang mimpi ay hango sa wikang Bahasa Indonesia na ang ibig sabihin ay panaginip. Sa kuwento ng laro, biglang nagising na lamang ang asong French terrier na wala nang tao sa loob ng kanilang tahanan. Hindi ito mapakali at kaagad tumungo sa labas ng bahay upang hanapin ang nagmamayari sa kanya. Malungkot ang mood sa umpisa dahil black and white ang konsepto ng mga kulay sa loob ng sala. Sa unang pagtapak niya sa labas ng pintuan ay bigla siyang napalibutan ng isang makulay na daigdig na puno ng mga panganib na siyang susubok sa kakayahan ng manlalaro.

Nakakatuwa itong laruin dahil bukod sa mataas na lohika kinakailangan din ang malawak na imahinasyon ng manlalaro. Halatang inilikha ito para sa lahat ng edad mapa bata man o matanda. Nakakaaliw dahil isang inosenteng aso ang bumibida dito at wala siyang ginagamit na pangil o sandata a pakikipagsapalaran niya. Wala ring may nangyayaring karahasan sa laro. Talagang masasabi kong maganda ang pagkakonsepto ng mga digital gaming artist at production staff sa laro. Walang isang sandali sa pagtalakay nito kung saan ako nabagot o nastuck sa kalagitnaan ng mga pagsubok. Hindi mababagot ang manlalaro dahil parang nagmumukhang painting ang background ng bawat level. Pati ang mga pagsubok nito ay nagmumukhang installation art din. Halos malalasing ang manlalaro sa pagiging malikhain ng mga nagkonsepto sa larong ito.

Ang larong MIMPI ay isang likha ng sining na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo at sumasaludo ako sa mga indibidwal na gumawa nito. Pati ang pagtatapos nito ay nakakaaliw din dahil ang mensahe ay bumabalik din sa mismong pamagat ng laro. Nirerekomenda ko ito sa mga bata at matatandang gustong magpalipas ng kanilang oras mula sa pagkainip o stress.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s