Train to Busan (부산행): Isang Tagumpay para sa mga Pelikulang Asyano

busan10

Naging penomenal ang world debut ng pelikulang ‘Train to Busan’ o Busanhaeng (부산행) na unang ipinalabas sa midnight screening ng Cannes Film Festival sa Pransya noong Mayo nitong taon na kaagad sinundan ng mga international release sa iba’t ibang pang ng mundo. Isa itong produksyong Koreano (Next Entertainment World) na idinerehe ng premyadong direktor na si Yeon Sang-ho (연상호). Isa na naman itong tagumpay hindi lamang para sa horror genre ng Timog Korea dahil maituturi din itong tagumpay ng mga pelikulang Asyano na puwedeng makipagtunggali sa pandaigdigang industriya ng pamimilikula. Wala pang dalawang buwan nang ito’y ipinalabas sa mga sinehan sa buong mundo at agad na naging box office hit na ayon sa mga pinakahuling ulat ay kumita na ng mahigit US$88 milyon.

Matagal nang dinapuan ang Filipinas ng tinatawag na “Korean wave” o kulturang pop mula Timog Korea. Marahil nga isa tayo sa pinakapaboritong puntahan ng mga Koreano tuwing pasko at taginit, madaling naikalat ang kanilang kultura sa ating bansa lalo na ang musikang K-Pop at mga teleserye na madalas nating tawaging Koreanovela. Ang Filipinas din ang bansang may pinakamaraming expat na Koreano sa Timogsilangang Asya ngayon. Marami sa kanila’y naninirahan dito upang makapagaral ng Inges at tumira sa bansang may tropical na klima at murang bilihin. At dahil dito marami na ring mga Filipinong natuto kumain ng pagkaing Koreano tulad ng kimchi ( 김치) at bibimbap (비빔밥). May nagaganap na rehiyunalisasyon sa Asya ngayon kung saan ang karamihan sa atin ay sabik sa pagtutuklas sa mga kultura, produkto at oportunidad na maipagkakaloob ng ating mga karatig-bayan sa rehiyon.

busan5

Sa pelikulang zombie apocalypse thriller na ito bumibida sina Gong Yoo (공유) bilang ama at Kim Su-an (김수안) bilang batang anak na babae. Sila ang mga pangunahing karakter na tutungo sana sa lungsod ng Busan gamit ang rehyunal na pampasaherong tren upang dalawin ang ina ng bata. Hindi malapit sa isa’t isa ang magama dahil sa nangyaring hiwalayan ng magasawa na nagkaroon ng hindi magandang epekto sa buhay ng bata. Halos patay sa trabaho ang ama sa isang malaking kumpanya at walang panahon para asikasuhin ang sariling anak dahil lola pa nito ang ginawang tagabantay sa bahay nila. Nang pilitin siya ng kaniyang anak na magpunta sila ng Busan kinabukasan din habang nasa sa kalagitnan ng isang krisis ang kanilang opisina, hindi ito nakapagayaw at sapilitang pumayag na lang sa anak na pinangakuan niya. Noong kinaumagahan ay kgagad silang nagpunta sa estasyon ng tren upang tumungo ng Busan. Wala pa silang animo na may naguumpisa na palang “zombie outbreak” matapos ang isang industrial leak mula sa isang pabrika na mabilis kumakalat sa buong bansa. Ngunit ibinalita lamang ito sa media bilang isang “violence outbreak”. Nang biglang pasukin ng isang babaeng nakagat ng zombie ang kanilang tren ilang segundo lamang bago ito bumiyahe, dito na maguumpisa ang kalbaryong magbabago sa mga buhay nila.

Maraming isyu ng lipunang Asyano at ng pamumuhay ang tinatalakay sa kuwento ng pelikula. Isa na dito ang pagiging pabaya sa pamilya ng dahil sa trabaho at ang pagtutuklas ng kahalagahan ng ating mga minamahal sa buhay. Sa paglago kasi ng iilang mga ekonomiya sa Silangang Asya nitong mga nakaraang dekada, naging masyadong abala sa trabaho ang maraming indibidwal at nasilawan sa kinang ng kapitalismo kung saan ang pagkita ng pera at pagabanse sa sariling karera ang mas binibigyang halaga kaysa sa mga minamahal sa buhay. Sana naman, kung umunlad man ng ganito ang Filipinas balang araw huwag nating tahakin ang ganitong daan at maling pananaw sa buhay. Binusisi din sa pelikula ang dilemma ng ilang mga “survival situations” kung saan napapaisip tayo sa mga kritikal na sandali kung sarili ba natin ang dapat unang iligtas o kung dapat ding tulungan ating kapwa upang isulong ang kapakanan ng lahat. Sa kabila ng mga dilemma at kontradiksyon, nanaig pa rin ang tinatawag na “Asian values” kung saan ang ikabubuti ng marami ang isinulong.

Kakaiba ang pagkagawa ng pelikula para sa isang pelikulang Koreano at para rin sa isang pelikulang Asyano. Mimso ring mga kritiko sa Timog Korea ang nagsasabi nito. Subalit nanatili pa rin ang mga katangiang Koreano at Asyano sa pagkonsepto ng pelikula tulad ng paglagay ng mga nakakagulat na sound effects at nakakaagaw hiningang eksena, mga ilang aspeto ng drama, pag-ibig, pagkakaisa at pagsasakripisyo sa kuwento. At hindi rin magpapahuli sa mga pelikulang Asyano ang pagpili ng mga heartthrob na aktor at aktres upang gumanap sa iilang mga karakter. Si Gong Yoo kasi ay isa sa mga beteranong heartthrob celebrity sa industriya ng showbiz sa Timog Korea na patuloy na tinatangkilik ng kasalukuyang henerasyon doon ngayon. Kasama din sa casting ang mga kontemporaryong Korean heartthrob celebrities kagaya nina Jung-Yu Mi (정유미), Ahn So-hee (안소희), Choi Woo-shik (최우식) at si Don Lee/Ma Dong-seok (마동석), isang Korean-American na aktor. Lahat sila’y gumanap bilang mga kasamahang pasahero ng mga n karakter sa tren. Sa tingin ko, hindi na talaga mawawala sa kulturang Asyano ang “kilig factor”.

Hindi ko pinalampasan ang pagkakataong mapanood ang pelikula dahil nais kong suportahan ang paglago ng mga pelikulang Asyano sa pandaigdigang entablado ng pamimilikula. Ito lang kauna-unahang horror film mula Timog Korea na napanood ko at hindi ako nabigo. Noon kasi sa Asyanong horror genre, puro mga pelikulang Hapones o Intsik lang ang napapanood ko at may mga ilang pagkakataong nakapanood ako ng mga horror films na Filipino o Singaporean. Naging basehan tuloy ng pagkukumpara ang mga sikat na Hollywood zombie films tulad ng World War Z (2013) at Warm Bodies (2013) na binatikos ng maraming kritiko. Simple man ang naging takbo ng kuwento ngunit puno ito ng emosyon at suspense. At kahit papaano, natutuwa rin ako dahil kahit sa ganitong paraan man lang ay muling naiangat ng Train to Busan ang pagtingin ng buong mundo sa mga pelikulang Asyano.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s