Song of the Martyrs

ampatuan-massacre

 

2nd Prize, 2010 San Agustin Writers Workshop Poetry Competition, English Category

(To the victims of the 2009 Maguindanao massacre,

be they remembered)

And the Gods asked,

What do martyrs do

when struck by thunder?

They answered,

We walk alone,

alone over the ocean’s slumber

guided by a thousand lights

reflected on black water.

Only the waves

serve as our pathway

on our flight to the stars

in the endless horizon.

Our feet held afloat

in the absence of all weight and gravity

just like the dead fishes

floating soundly at sea.

From the bloodstains we have left

to the wounds and bullets in our flesh,

we are cleansed by the ocean’s salt

freed from all evils of this earth.

Human as we are,

we have been betrayed,

abandoned and forgotten by the promises

of this land we’ve once believed in.

As the call to serve the people

we have answered,

the call to face eternity

now awaits us.

Ang Maynila bilang Kabisera at ang Post-kolonyalismo sa Lipunang Filipino

manilacityhall

Sentro ng Kabisera: Ang Bulwagang Panglungsod ng Maynila

Isang post-kolonyal at planadong kabisera ang kailangan ng Pilipinas upang magsilbing inspirasyon tungo sa isang malaya, maayos at mahustisyang lipunan. Matagal na itong naglalaro sa isipan ng ating mga politiko, ang aspirasyon para sa isang administratibong lungsod ng ating pamahalaan na magsisilbing gabay sa ating mga kawani sa tatlong sangay ng gobyerno. Kailangang paintindihin ang ating mga mambabatas na kailangan nating bumuo ng isang modelo ng lipunan na magbubuklod sa  kaisipan ng mga Filipino.

Nagsisilbing metapora ang Maynila bilang pugad ng korupsyon, pangaabuso sa kapangyarihan ng mga tagapamahala, at ang hindi pantay-pantay na pamumuhay ng mga Filipino. Dito naghahalo-halo ang elitismo at kahirapan sa ating bansa sa iisang dimensyon. Ito ang piniling kabisera ng mga Espanyol, Amerikano, Britano at Hapones para sa mga Filipino kung kaya dito ipinagtipon ang halos lahat ng yaman, kapangyarihan at mga oportunidad sa Pilipinas. Ang Maynila ay nagsisilbi ring alaala ng pangaapi sa atin nga mga dayuhan sa dahilang dito rin nakasentro ang kolonyal na kasaysayan ng Pilipinas. Ipinatayo ang mga pader ng Intramuros ng mga kastila noong ika-16 siglo upang bigyan ng kapangyarihan ang mga namamahala at may mataas na estado sa lipunan laban sa mga anti-kolonyal, katutubo at makabayang kilusan noon. Naging ekslusibo lamang ito sa mga mayayaman at may kapangyarihan.

Sa ilalim ng administrasyong Amerikano, idinisenyo naman ng arkitektong si Daniel Burnham ang Lungsod Maynila upang mas pagandahin at palawakin ang mga kalsada nito. Ngunit ang pagpaplano rito’y nanatiling eksklusibo para sa isang milyong residente lamang. Ipinatayo ang mga bagong gusali sa labas ng Intramuros na may disenyong neo-klasikal at art deco hango sa pang-kanlurang impluwensya ng arkitektura. Kabilang dito ang mga gusaling pang-gobyerno, pang-akademiya, pang-kultural at pang-komersyo na walang kaugnayan sa mga katutubong kultura ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mahigit isang milyon katao ang nasawi sa pag-bobomba ng mga Amerikano at Hapones. Karamihan ng mga nabiktima’y mga inosenteng sibilyan. Noon pa man, ang Maynila ay nagsilbing kabisera ng mga imperyalista at elitista. Umusbong ito noong kalagitnaan ng ika-20 siglo bilang Metropolitan Manila na ngayo’y mas lumago pa bilang Mega Manila na may tinatayang populasyon na 12-14 milyon. Batay sa 2015 na pag-aaral ng Globalization and World Rankings Institute, ang Maynila ay maituturing “Beta+ World City” kung ang internasyunalisasyon at kahalagahan nito sa pandaigdigang ekonomiya ang paguusapan. Katapat nito ang iba pang mga maksaysayang lungsod kagaya ng Atenas, Roma, Berlin, Tel Aviv at Guangzhou. Humahabol naman ang Cebu bilang isang “City with a Sufficient Level of Services” kung saan pasok din sa nasabing kategorya ang Canberra, Jerusalem, Las Vegas at Macao.

intramuros

Ang Intramuros sa Maynila ay nagsilbing sentro ng kolonyal na kapagyarihan at kalakalan ng mahigit apat na siglo sa ilalim ng mga dayuhang mananakop.

Bukod sa pagiging isang pang-kolonyal na kabisera, naging masikip at magulong sentro-metropolitano ang Ka-Maynilaan sa tindi ng polusyon, kahirapan at kriminalidad sa kamulatan ng maraming Filipino. Hindi kasi naging maayos ang pagplano ng ating National Capital Region. Ito rin kasi ang naging sentro ng ating sentralisadong pamahalaan kung kaya’t halos lahat na lang ng ating mga mamamayan ay gusto nang manirahan sa Metro Manila. Ito ang sentro ng pangangalakal, komersyo, edukasyon, medya at pamumuno. Ito ang pangunahing “global city” ng Pilipinas na pang-showcase sa mga dayuhang bumubisita, naninirahan at nagtatayo ng negosyo dito. Ang Ka-Maynilaan ang sentro ng halos lahat-lahat. Ito ang ideyang nakaulit sa isipan ng nakararaming Filipino. At hindi naman natin sila masisisi dahil natural lang sa mga tao na doon pupunta sa lugar na maraming oportunidad. Sa sobrang dami ng tao sa Ka-Maynilaan, ilang daang milyong dolyares ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas araw-araw dulot ng matinding trapiko. Ang planong de-sentralisasyon ng Pilipinas at pagpalit sa sistemang pederalismo ay isang malayong pangarap na hindi naisakatuparan dahil sa mga burokratang politiko, mambabatas at kapitalista na gustong panatilihin ang maka-Maynilang lipunan ng ating bansa.

Hindi ko naman sinasabing pangit ang Maynila at hindi ko rin ito minamaliit dahil sa katunayan lang, naging isang makasaysayang lungsod ito at maraming naibahagi sa paglago ng ating pambansang ekonomiya at kultura. Sa katunayan, dito din bumubuo ang amat-amat na proseso ng pagkakaroon natin ng isang pambansang wika, ang Filipino na may batayang Tagalog. Ngunit marami ding kritiko ang bumabatikos sa penomenang “Manila centrism” at “Tagalog imperialism”. Ayon sa akademikong si Dr. Isagani Cruz, hindi na maituturing bahagi ng Katagalugan ang Metro Manila dahil ang karamihan ng mga residente dito’y kung hindi man kasalalukuyang dayo, sila’y anak o apo pa rin ng mga dating dumayo mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Nang dahil dito, ang wikang Tagalog na ginagamait sa Ka-Maynilaan ngayon ay patuloy na pinapayaman ng iba’t ibang mga katutubong wika sa Pilipinas at maituturing ganap na wikang Filipino. Namumukod tangi din ang Maynila bilang lungsod dahil sa kagandahan ng Manila Bay Sunset sa Roxas Boulevard. Isa itong sentro ng edukasyon, kaalaman at pagsusuri na hindi pa natatapatan ng ibang lungsod sa Pilipinas. Naging sentro din ito ng ating kulturang popular mula sa pananamit, telebisyon, radyo at mga produksyon ng pelikula.

maynila1

Palagi kong napapag-isipan ang kalagayan ng ating sosyodad sa tuwing napapanood ko ang pelikulang Maynila sa Kuko ng Liwanag (1975), isang klasikong obramaestra na isinapelikula mula sa nobela ni Edgardo Reyes at idinerehe ng isa sa ating mga Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula na si Lino Brocka. Sa istorya, lumuwas ng Maynila mula probinsya ang pangunahing karakter na si Julio Madiaga (ganap ni Rafael “Bembol” Roco, Jr.) upang hanapin ang kasintahang si Ligaya Paraiso (ganap ni Hilda Koronel). Isinalarawan sa pelikula ang hirap ng buhay at mapangaping lipunan sa Maynila kung saan sa nauwi sa prostitusyon ang dalawang karakter. May isang eksena kung saan binubusisi si Julio ng isang baklang bugaw sa sex den at pinayuhang “Alam mo, isa lang ang dahilan ng mga nagtatrabaho dito…kwarta…kung yan ang hanap mo, matatagpuan mo yan dito. Kaya lang, kailangan ng kaunting kooperasyon.” Sa bandang huli, mismong buhay ng dalawang karakter ang naging kapalit sa pagtatangka nilang takasan at labanan ang sistemang humahawak sa kanila. Sumisimbulo lamang ito sa pagkadesperado ng maraming Filipino na pagtakasan ang hindi makatarungang lipunan na kinagagalawan. Ang hindi marunong makibagay sa sistema ay nilalamon ng buong-buo. Dahil sa kahirapan, maraming Filipino ang madalas maghabol at nabubulag sa materyal na yaman hanggang sa punto ng pagbebenta ng sariling laman o kaluluwa. Marami ring kaligayahan at pangangailangan ang nabibili ng pera ngunit hindi rin natin dapat kalimutin ang ating pagkatao. Ito ang madalas ipayo ng mentor kong si John Iremil Teodoro, ang kahalagahan ng espiritwal at moral na kamulatan sa pagharap sa mga demonyo ng buhay at kanser ng lipunan.

maynila

Kung susuriin nating maigi, ang karakter ni Ligaya Paraiso ay isang metapora ng Maynila na ipinresenta bilang tao, isang dalagang babae na puno ng pag-asa ngunit pinagsamantalahan ng kasamaang palad. Si Julio naman ay isang inosenteng binata na dumayo mula probinsya upang hanapin ang ganap na kaligayahan na sinisimbulo ni Ligaya ngunit nauwi sa kabiguan. Tulad niya, maraming Filipino mula sa mga rehiyon ang  tumutungong Maynila upang hanapin ang paraiso o magandang buhay. Siyempre, hindi lahat ay papalarin at kadalasa’y nauuwi sa kahirapan. Kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit mabilis umusbong ang mga tahanang iskwater sa Ka-Maynilaan. Ang mga pinapalad nama’y kinakailangang dumaan sa tinik o karayom bago makamtan ang maginhawang buhay. Sa ganitong uri ng lipunan, ang tanging makakatulong lang sa iyo ay ang mahabang pasensya, ang pagpapakumbaba sa sarili at ang pagiging madiskarte. Ang burokrasya sa Maynila’y hindi para sa mga mahihina ang loob. Pagagapangin ka ng sistema sa tagal ng mga proseso at hirap makapaghanap ng trabaho.

Naranasan ito ng aking mga magulang nang sila’y unang dumayo sa Metro Manila noong mga dekada otsenta. Ang aking ama ay dating marinong nakapagtapos ng kolehiyo sa Lungsod Iloilo at nadestino sa Navotas ng mahigit isang taon bago nakapagsakay ng barko sa ibang bansa. Sa tagal ng kaniyang paghihintay sa ahensiya, kamuntikan na siyang sumuko noon. Noong mga panahong iyon, nanilbihan siya bilang voluntary messenger sa ahensiyang ina-applyan bago nakasakay sa barko. Ang aking ina nama’y nakitira sa kaniyang mga ka-anak sa Kalye Cruzada ng Maynila mula Aklan at sumabak sa iba’t ibang trabaho bago nakapasa sa accountancy board exam at natanggap sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Parehas nilang pinagdaanan ang hirap ng paga-apply na walang kasiguraduhan sa kanilang kahihinatnan. Nakapagarkila sila ng maliit na apartment sa Kalye Leveriza matapos silang ikasal sa Manila City Hall noong 1987. Ang paraisong nakamtan nila ay ang pagkakaroon ng pamilya na biniyayaan ng dalawang anak, naipalaki ng maayos at nabigyan ng magandang edukasyon. Sa palagay ko, ito ang buhay na inaasam ng mga Filipino na dumadayo sa Maynila.

23486_1091635426598_1697882320_171804_3196022_n

Ang Pamilya Rey-Patricio (1995).

Nasa huling taon na ako ng high school noong 2005 nang tanungin ako ng aking pangalawang inang si Ninang Jie kung anong kurso ang balak kong kunin sa kolehiyo. Sagot ko, BS Nursing. dahil gusto kong mangibang bansa at ayaw kong maghirap. Bigla siyang napatawa at nagsabing “Aba, e mahirap talaga ang mamuhay ng mahirap dito sa Pilipinas! Maraming gustong manatili dito dahil masaya pero ang maluwag na buhay, hindi mo yon basta-basta lang makukuha.” Hindi naisakatuparan ang plano kong maging nars dahil napadpad ako sa programang Liberal Arts at nakapag-aral ng Agham Pampulitika. Naging patnugot ako ng publikasyong pang-estudyante sa unibersidad na pinasukan ko sa Iloilo. Dito nagumpisa ang aking karera bilang malayng manunulat at peryodista. Sa huli, nangibabaw pa rin ang aking hilig sa mga isyung panlipunan. Maraming nagsasabing maswerte raw ang aking henerasyon dahil sa dami ng mga oportunidad sa bansa ngayon, mapa sa Metro Manila man o sa ibang malalaking lungsod sa mga rehiyon. Lumalago na kasi ang ekonomiya ng Pilipinas at pumapasok ang mga dayuhang kumpaniya at non-government organization na nagaalok ng magandang sahod.

Sa katunayan, iba na rin ngayon ang proseso sa pag-apply ng trabaho. Halos lahat ay matatagpuan online. Sa walk-in interview o pagsusumite na lamang ng resume via email kadalasang ginagawa ang pag-apply. Lumawak man ang mga oportunidad, mas dumami naman ang kumpetensiya dahil lumobo ang populasyon ng Pilipinas nitong mga nakaraang dekada. Hindi lahat ay nakapag-benepisyo sa paglago ng ekonomiya. Ilan ba sa mga Filipino ang may sapat na access sa internet? Iilan ba sa ating mga kabataan ang nakakakuha ng magandang edukasyon at nakakatapak sa kolehiyo? Lahat ba ay nabibigyan ng pantay na oportunidad sa pagkaroon ng magandang hanap buhay? O meron pa ring bahid ng elitismo at diskriminasiyon sa pag-aapply ng trabaho base sa institusyong iyong tinapusan? Nais ko man sanang sumangayon na nagbabago na ang Pilipinas subalit hindi ito ang ganap na katotohanan. Kasi wala pa ring ganap na katarungan o hustisya sa ating lipunan. Manood ka lamang ng balita sa telebisyon at maririnig mo ang tinig ng mga simpleng mamamayan na naging biktima ng karahasan at paglabag sa mga karapatang pangtao. Magpunta ka lang ng Payatas at makikita mo na ang hubad na katotohanan.

manila3

Ang paghahanap ng ideyal na lokasyon ng isang panibagong kabisera ay isang malaking hamon para sa mga namumuno at mambabatas.

Ang mga batang gala sa kalye at mga pugad ng kahirapan na umusbong sa Ka-Maynilaan ay nangangahulugang hindi tayo nakapag-asenso mula sa mapangapi nating nakaraan. Hindi pa rin tayo nakakabangon patungo sa isang post-kolonyal na kamulatan. Bakit nagsusulputan ang napakaraming shopping mall at negosyo sa Metro Manila sa kabila ng kahirapan? Bakit marami pa rin tayong kababayang naghihirap at walang pangtustos sa sariling pamilya kahit lumalago ang ating ekonomiya? Bakit isyu pa rin sa ating sosyodad ang kriminalidad, pagnanakaw sa kaban ng bayan at ang baluktot na hustisya? Sa tingin ko, dahil ito sa tinahak na direksyon ng ating pagunlad na masyadong nakasentro sa kapitalismo at hindi tumugon sa kapakanan ng lahat. Pinagsamantalahan ito ng mga elitista at institusyong namumuno sa Pilipinas upang panatilihin ang status quo nang sa gano’y hindi sila mawalan ng impluwensya sa lipunan. Ang ibig sabihin nito’y pinagsasamantalahan pa rin nila at ginagatasan ang masang Filipino. Sa maikling salita, hindi pa rin tayo nakakapag-move on mula sa pang-kolonyal na sistema ng ating lipunan. Ika-21 siglo na at napagiwanan na talaga tayo ng panahon, hindi lamang ng ating mga karatig-bayan kagaya ng Indonesia, Malaysia at Singapore kundi pati na rin ng ibang mga post-kolonyal na bansa tulad ng Pakistan, Nigerya, Kazakhstan at Brasil na tumaguyod ng mga panibagong kabisera.

manila2

Ano ba ang nakamit ng Ka-Maynilaan sa pagpapaunlad ng ating bansa at pagtataguyod ng pangkalahatang interes ng mga mamamayan?

Bakit ba nagtatatag ng panibagong kabisera ang mga post-kolonyal na bansa matapos makamit ang ganap na kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop? Hindi na ito bagong gawain dahil isinagawa na ito ng mga sinaunang Intsik, Indyano, Hapones, Romano at Ehipto noon. Maraming dahilan kung bakit nagtatatag ng bagong kabisera ang isang bansa. Isa na dito ang pagiging masikip at pagkakaroon ng mataas na populasyon ng isang lugar dahil sa matagalang pagiging sentro nito ng mga pang-ekonomikal o politikal na aktibidades. Dito pumapasok ang isyu ng seguridad. Mahirap nga naman ang mamahala sa isang lungsod kung saan ang populasyon ay umaabot ng halos 10 milyon katao tulad ng Maynila. Mas maraming taong kailangang asikasuhin sa kabisera at mas madali itong mapasukan ng mga krimen kagaya ng terorismo o pagbabanta sa buhay ng mga namumuno.

May mga bansa kung saan heograpiya naman ang unang inaalala. Mayroon kasing mga lumang kabisera  na itinayo sa mga lugar na madalas sapitan ng mga natural na kalamidad kagaya ng tsunami, pagbaha, pagguho o pagputok ng bulkan. May mga burokrata namang nagpursiging ilipat sa sentro ng bansa ang kanilang kabisera upang maisakatuparan ang proseso ng de-sentralisasyon. Isa na dito ang bansang Brasil na tumatag sa Lungsod Brasilia. Namumukod-tangi ito dahil sa kakaibang arkitektura at inprastruktura nito bukod sa pagsisilbi bilang lungsod administratibo. Taong 1827 nang mapagisipan ng Brasilyanong makata at tagapagpayo ni Emperador Pedro I na si Jose Bonifacio ang pangangailangan ng isang panibagong kabisera sa sentro ng bansa para sa post-kolonyal na kaisipan ng mga Brasilyano. Nang dahil dito, isinaad sa kanilang Saligang Batas noong 1891 ang planong pagpapatayo ng Brasilia at naisakatuparan lamang ito noong taong 1960 sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Juscelino Kubitschek. Dito ipinagsama-sama ang lahat ng mga ahensiya ng kanilang gobyerno at mga dayuhang embahada sa iisang lungsod. Idinekara itong UNESCO World Heritage Site noong 1987 dahil sa makabagong pagpaplano at naihandong nito sa modernong urbanismo.

Ito ang mga benipisyong makukuha ng Pilipinas kung sakaling magdesisyon itong  tumatag ng panibagong kabisera:

  • Magkakaroon ng maayos na administratibong lungsod ang ating gobyerno.
  • Maisasakatuparan ang pinaplanong de-sentralisasyon ng ating ekonomiya.
  • Mababantayang maigi ang bawat kilos ng ating mga politiko at mambabatas.
  • Mapapabilis ang mga transaksyon sa gobyerno kapag walang trapiko.
  • Maaari itong gawing modelo ng lipunan kung saan ang mga mamamayan ay namumuhay ng pantay-pantay at malaya mula sa anumang uri ng diskriminasyon: mga manggagagwa, tagapaglingkod at kawani ng pamahalaan na magtatrabaho tungo sa ating ikauunlad na walang kinikilalang mayaman o mahirap.
  • Magsilibi itong inspirasyon sa post-kolonyal na kamulatan ng mga Filipino.

Naglalaro sa aking isipan kung ano ang maaring ipangalan sa isang kabiserang gawang Filipino. Dapat ba itong maging katutubo sa ating pandinig? Kay Dr. Jose Rizal ba ito karapat-dapat na ipangalan dahil siya ang ating pambansang bayani? O dapat ba itong ipangalan sa sinumang politiko, akademiko o arkitektong sumulong nito? Anong tema o ideolohiya ang dapat nating isulong sa mga pampublikong sining at monumentong ipapatayo dito? Pwede ba itong tawaging Lungsod Maharlika o Lungsod Kalayaan? Kailangan ba talaga ng Pilipinas magpatayo ng panibagong kabisera tulad ng Lungsod Brasilia sa Brasil na nagsisilbing moderno at post-kolonyal na kabisera, Lungsod Islamabad sa Pakistan bilang kabiserang sumisimbulo sa mga ideyalismo ng republikang Islamiko, Lungsod Abuja sa Nigerya na naging kauna-kunahang kabiserang gawang Afrikano at Lungsod Washington DC sa Estados Unidos na inialay sa demokrasya at mga rebolusyonaryong Amerikano?

Sa palagay ko, kailangan nating tumatag ng panibagong kabisera sa sarili nating mga puso, ang pangarap na maituwid ang  mga bagay-bagay sa ating bayan, ang pagtataguyod ng matatag, makabansa at mahustisyang lipunan na ibinuo mula sa mga aspirasyon at post-kolonyal na adhikain ng mga Filipino, mapa sa Maynila man o sa ibang lugar. Kailangan natin ng isang kabisera na walang kaugnayan sa ating pagiisip-kolonyal at mapang-aping karanasan. Kailangan natin ng ganap na rebolusyon at pagbabago mula sa ating mga puso.

9 Reasons Why Many Filipinos Refuse to Vote

NPO

Workers of the National Printing Office (NPO) and COMELEC start validating the Official ballots thru the PICOS Machine for the coming local election at the NPO Office in Quezon City…….photo/boy santos

What makes people vote?  This has to be one of the most pressing questions frequently tackled in political science and government discourse with regards to voter turnout, although little attention has been paid as to why large numbers of Filipino electorates often refuse to take it to the polls. Official data from the National Anti-Poverty Commission indicates that roughly 70% to 80% of eligible voters aged 17 to 21, who comprise a significant bulk of the country’s population, either have little interest in politics or refuse to participate in electoral procedures.

Analyzing voting behavior and political perceptions, especially in new electoral democracies and postcolonial societies, may be a daunting task as it opens up a wide range of debates and discussions. Voter participation in the Philippines is generally low but a much lower participation rate from the youth sector could have serious implications to the country’s future electoral process. This is a given reality in many developing countries plagued by a highly bureaucratic colonial legacy that continues to haunt the present-day political system.

The spectacle of public participation in a relatively young democratic system is an interesting case study given the complicated dynamics of Philippine politics, a country with a long tradition of partisan politics, electoral fraud and violence which, since its independence, has led to meager electoral participation rates. Close observers also cite the lack of public awareness and knowledge on electoral procedures coupled by an established culture of pessimism and indifference towards political affairs. For a country in the verge of social and economic change, it is yet to be seen as to whether or not a mature voting population would emerge in the future to sustain the election of reform-oriented and responsive leaders into public office.

For today’s generation, political apathy has become the norm. Many do not take elections seriously. The mere thought of going to the polls is often perceived as toxic and mediocre. These people are literally allergic to politics. They often speak of it with negativity and would rather not want to get involved in it. More worrying is the fact that many of them also belong to the middle and upper classes, often some of the most able and educated individuals you will ever meet. So, what exactly discourages them from voting?

 

  1. Long Registration Process – Nobody would willingly stand in long queues, especially if it takes hours until one finally gets attended to by the few registration officials amidst the scorching heat. Providing identification documents and verification for the encoding of every registrant could take quite a while. After all, not many local precincts in the country are air-conditioned or properly ventilated, which can tests the patience of many individuals who later end up questioning whether the whole process was even worth it or not.
  1. Guilt and Self-Loathing – Many believe that their participation alone already sustains the prevailing system as the same kind of politicians gets elected into office every election. They view their own involvement as a major form of promoting corruption thinking they are not capable of choosing the right leaders while many of their electoral counterparts would give in to selling their votes anyway. Many often feel ashamed and only have themselves to blame every time a scandal breaks out on an official they have elected in the polls.
  1. Association to Fraud and Violence – The Philippines, just like many politically unstable postcolonial countries today, has a long history of violence associated to elections. For a long time, voting methods as well as counting and tally procedures were done manually. Prior to the era of automated polls, violence and wanton fraud was the norm as ballot boxes (containing the votes) were often replaced or stolen. This was done either under the table or by force. Oftentimes, many election officials, observers, voters and innocent civilians were killed in the process. Hence, voting precincts have been long perceived as inherent “danger zones” in the Filipino conscience. The thought of voting itself has long discouraged many citizens to participate in elections due to these monstrosities.
  1. Connotations of Mediocrity They are all the same. Nothing will ever change. Qualification-wise, there is no law that requires a politician to be highly educated. A few years of high school or college would already do. It is obviously popularity and financial influence that matter. With this comes the notion that many elected officials do not have the academic background or experience since it is only money connections that determine an individual’s election into public office. The majority of our electorates choose actors, entertainers, basketball players, boxers and the offspring of old politicians instead of social workers, academicians, human rights advocates, scientists and environmentalists. Alternative politicians who are pro-poor and development-oriented are rare. Those that do have the qualification are either in the private sector or out of the country. If there are any, they only constitute an acute minority.
  1. False Hopes – They refuse to live up on false hopes in a ‘dysfunctional system’. This pessimism comes from the one dark truth that most of the country’s leaders are members of political dynasties, often landed and monopolistic elites that have clung to power for generations to secure their interests. They are the main reason why the struggle for genuine agrarian land reform, social security and a fairer distribution of wealth were never realized. A new breed of politicians consisting of celebrities who used their fame to reap votes has emerged in recent decades. Most of them rarely have the qualifications or leadership skills to serve efficiently. In other words, politics was a means to ensure their personal safety nets upon retirement. It is virtually impossible for a commoner to enter politics without the financial and social means to manoeuvre campaigns and garner votes for a position in government.
  1. Negative Media Publicity – A lot of public negativity associated to elections and politics per se is largely influenced by mass media. We apparently have a “free media” that exposes virtually everything about the government and its “private” affairs – even the negative and the scandalous. The more controversial, the better. The negative always gets the headline article or breaking announcement. Our press is “freer” than many of our neighbors that foreign commentators hail us for having the “freest” press in Asia, which by default also makes us one of the most dangerous places for journalists in the world. Unlike many of our neighbors, our press culture is sadly not tailored to accompany national growth or development. It rather goes against it and scares investors away. Above all, it gives our own electorates very negative image of our government.
  1. They’re only after a Voters I.D.Magkakaroon ba kami ng Voters ID? Many eligible voters will tell you frankly that their main intention of visiting their precinct is that small piece of documentation they put so much value on, nothing else. It is a valid government identification card accepted in banks and government offices issued gratis to registrants by statute, although no existing law requires them to vote. But most of them won’t even bother to vote anyway. They would go as far as harassing the registration officials – who often have nothing to do with its processing – if they do not receive their card as if it were the only thing that mattered about the elections. It is basically the only thing they want from the whole registration process, which makes them full-blown free riders.
  1. They can live without it – They don’t even think it concerns them in the first place. Whether they vote or not will not affect them in any way. Not many are quite enlightened about the fact that the laws and policies enacted by officials govern us from womb to tomb: From the rights of the fetus upon conception, parental obligations upon birth, to the taxes they impose on us, policies on education, labor and civil matters, and up to the time of death when corpses need to be registered and laid to rest. Apparently, even the dead have rights. They are not quite aware that politics literally covers every aspect of their daily lives in some way or another. Others think they are doing the country a favor by refusing to engage in a “corrupt political system” not realizing that they too have become part of the problem by choosing not to elect the right leaders into office.
  1. It is not required by law – Our constitutional right to suffrage is not even mandatory. Many people often throw this argument against advocates of electoral participation. In Article 5 of the Philippine Constitution, “suffrage may be exercised by all citizens of the Philippines not otherwise disqualified by law…” It may be a “right” and an “obligation” but the constitution itself provides no specifications on mandatory voting. There is no mention of any punishment or legal action against those who fail to register and vote. It is also often argued that in a democratic setting, citizens should also be given the freedom to choose not to vote if they wish so.

 

The current political system has failed to attract young voters as statistical figures often indicate an emerging trend of indifference among young Filipinos. As a new generation of Filipinos become exposed to social media and start drawing comparisons with other countries, the more disintegrated they become form their own society. Many young professionals of today grow up carrying with them the same pessimism instilled by their parents. Many view their non-participation as a form of protest against the broken promises of many elected officials, a protest that essentially also leads to nowhere. By withdrawing from politics, you literally give up on your confidence as an individual to shape the country’s future. The credibility of one eligible voter constitutes a powerful voice out of 100 million Filipinos who have to fight for the survival of their country on the global stage of increased competition and uncertainty.

Following Robert Kaplan’s words citing a Manila-based economist in his book Asia’s Cauldron, the Philippines is bleakly described as “still a bad Latin American economy, not an Asian one” in response to its slow economic reforms and dysfunctional bureaucracy plaguing the country’s competitiveness amidst high economic growth. The comparison to South America specifically points out to a common colonizer but as well as a similar colonial legacy of cronyism, indifference and fatalism fed by a common legacy of a corrupted values that continue to plague our own conscience up to this day. These issues may be hard to fathom but they are very real, hard-pressing truths that need to be confronted if we wish to see genuine change in our electoral system.